Sabado, Pebrero 18, 2017

Filipino Performance Task in 4th Quarter

Kabanata V: Ang Noche Buena ng Kutsero




Buod ng kabanata:

  • Gabi na at inilalakad na ang prusisyong pang-Noche Buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila ng ilang oras sa daan dahil nalimutang dalhin ng kutsero ang kanyang sedula at kinulata muna ng Guwardiya Sibil.
  • Muling huminto ang karumata upang paraanin ang prusisyon. Idinaan ang imahe ng Matusalem, ang pinakamatandang taong nabuhay sa mundo. Sumunod dito ang tatlong Haring Mago.
  • Marahil ay walang guwardiya sibil noon, kung mayroon ay hindi sila mabubuhay ng matagal sa pangungulata.” Nang makita ng kutsero si Haring Melchor na may korona, naalala niya ang hari ng mga Indio. Sumunod naman dito si San Jose at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birheng-Divina Pastora.
  • Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga Guwardiya Sibil na walang ilaw ang parol ng karumata. Pinarusahan muli ng mga Guwardiya Sibil ang kutsero. Ayaw ng basag-ulo ni Basilio kaya naglakad na lamang ito.
  • Napansin ni Basilio na tanging bahay lamang ni Kapitan Basilio ang may kasiyahan. Namangha siya ng makita si Kapitan Basilio na nakikipag-usap sa kura, alperes ng Guwardiya Sibil at Simoun na mag-aalahas. Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simoun ay may nakakagulat na pagkatao.
  • "Ang lahat sa lupaing ito ay nakakapangalakal maliban sa amin." Iginagalang si Basilio ng mga katiwala sa tahanan ni Kapitan Tiago mula noong makita siyang umopera. Hinintay ng katiwala ang kaniyang pagdating upang makapagbalita ito ngunit hindi nagustuhan ni Basilio ang mga balita dahil iyon at iyon rin ang mga ibinabalita nito kaya nawala na ang kanyang gana sa pagkain.

Kaugnay ng kabanata:

Bilang isang mag-aaral, ang maiuugnay ko sa Kabanata V ng El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay ang mga pamilya na striktong-strikto sa mga anak nila. 'Yong mga magulang na magagalit na kapag magkamali ng konti ang mga anak nila. 'Yong mga magulang na walang ibang gusto kundi perpekto lang ang resulta sa anumang gawin ng mga anak nila. 'Yong mga magulang na malalaki ang parusa sa mga anak nila na naka gawa ng simpleng mali. At 'yong mga magulang na hindi na bumibigay ng pagkakataon para ayusin ng mga anak nila ang kanilang mali, o kaya pagkakataon para maipaliwanag nila ang kanilang sarili.

Dapat mapagtantuhan ng mga magulang na ganyan na hindi 'yan mabuti sa mga anak nila. Hindi 'yan mabuti para sa relasyon nila bilang pamilya. Lalo na na ang isipan ng mga anak ay maaapektuhan, kung saan naman may posibilidad na tutungo 'yan sa pagiging "emotionally unstable". Pwede ring makakaranas ng depresyon, pagbabago ng ugali, bigyan ang sarili ng pinsala, o pagpapakamatay. Ito'y dulot sa mga ekspektasyon na bigay sa kanilang mga magulang. Karamihan ng mga anak sa mga magulang na ganito ay lumaki na ang nakatatak sa isipan ay ang pagpapa "impress" sa mga magulang nila upang makamit ang papuri na sila ay magaling na anak at sila'y ipinagmamalaki.

Ngunit karamihan din ng mga magulang ay hindi dali makuntento. Dahil sa isipan nila kulang pa ang anumang nakamit ng kanilang anak at kaylangan pa nito sumikap ng mas maigi upang maka-kamit pa ng mas magara at malaki na karanasan sa buhay. O sa kanilang isipan at paniniwala: perpektong buhay.



Sa halip na kaagad magalit sa maling nagawa o mababang markang nakamit, dapat unawaan muna ng mga magulang ang kanilang anak. Dapat gabayan nila sa maayos at mapagmahal na paraan upang ma-udyok sila. Kung saan sa susunod mas galingan pa nila at mas malaki pa ang maabot sa buhay. At ito'y hindi dahil sa pagpapa "impress" sa mga magulang. Ito'y dahil dedikado ito sa kanila.

"I did it not to impress you and make myself look good. I did it because I want to dedicate it to you."




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento